
Eh kasi naman kagabi, lumabas kami with friends. Kumain, gumala , kumain ulit, nag-ktv at nagshot. May isa kaming friend na break na sila nung boyfriend nya. 2 years and 5 months? Sayang naman kung maglalaho nalang yun ng parang bula diba? Kaya ayun. Nagopen up yung friend namin kung ano ba mga nangyari, kung bakit ganun nga ba yung nangyari. After all, tinext namin yung bf nya then he didn’t reply kaya ayun nagpaload kami to call him. Pero wala parin eh, binababa nya , kung di sasagutin naman di ata nagsasalita. So, nagdecide kami na puntahan nalang namin sya sa bahay nila i think around 12am na yun pero go parin kami. Then nag-usap sila. Alam mo yung feeling habang nag-uusap sila, we didn’t expect na iiyak din pla si guy habang umiiyak din yung friend naman. Tapos yung mga things na ginagawa sa movie after ng break up eh nagawa narin nila. Like gusto ng umalis ni girl pero si guy pinipilit nya na wag with matching hug after all . Syet kung ganun lang din kasweet makikita ko sa paligid ko. Para akong forever alone=))) Pero atlast, hindi sayang yung pagpunta namin dun kasi okay na sila, sila na ulit, love is in the air na talaga. Tama nga yung sinasabi nila na “Love is sweeter the second time around”
(Source: iskyworld)